Ano ba ang ilang dapat tandaan sa pagpunta sa ating silid-aklatan? May tatlong puntos na dapat tandaan: L-ibro : Bawat estudyante ay maaaring manghiram ng 1-2 libro. Idaan palagi ang mga libro mula sa shelves sa Book Lending Counter. Kung ilalabas naman ito ng Library, ipakita ang mga hiniram na libro at iba pang kagamitan sa Control Table na malapit sa pinto ng Library. Laging tingnan ang date due slip upang maisauli ang libro sa takdang araw at maiwasan ang book fine. Kapag nawala o nabasa ang libro, ireport kaagad sa Library. I-D : Pakaingatan ang inisyung Library ID. Ito ay non-transferable at nagsisilbing 'pass' ninyo sa paggamit ng silid-aklatan. B-asa: Magbasa. Basahin ang Library Bulletin Board para sa wastong pagbisita sa Library. Basahin ang Library updates sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela Library Facebook Page. Magtanong sa Library personnel ukol sa anumang hindi maintindihan. L-I-B. Libro-ID-Basa. Hinihikayat namin ang lahat na gumamit ng ating pasilid...