Skip to main content

READING ICON FOR MARCH 2018: Jerry B. Gracio

Nakatira sa boundary ng Rincon at Pasolo, si Jerry B. Gracio ay itinuturing ng mga kritiko bilang “isa sa pinakamatingkad na tinig sa panulaang Filipino sa kasalukuyan.” Nagsusulat din siya ng mga pelikula at teleserye, bilang senior writer ng ABS-CBN. Kabilang sa kanyang mga parangal ang Palanca Memorial Awards for Literature, Makata ng Taon 2005, ang Gawad Dr. Pio Valenzuela para sa Panitikan, ang University of the Philippines Centennial Prize for Literature, at dalawang National Book Awards para sa kanyang mga aklat na Apokripos at Aves na parehong ipinablis ng UP Press. Autor din siya ng Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig na inilatha ng Ateneo de Naga University Press. Noong 2015, iginawad sa kanya ang Southeast Asia (SEAWrite) Award sa Bangkok, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga manunulat sa Timog-Silangang Asia. Magkasabay na ilalathala ng Visprint sa taong ito ang Bagay Tayo at Hindi Bagay—na refleksiyon sa 13 taong pagsasama niya at ng kanyang partner na si Pitbull. 

Reading Icon for March 2018: Jerry B. Gracio
"Isa lang ang formula para maging mahusay na manunulat: MAGBASA. Hindi lang ng mahusay na panitikan, kundi ng lahat ng puwedeng basahin at mabasa. Dahil tungkulin ng manunulat na mag-imagine at lumikha ng tauhan, inaasahan ang lawak ng kaniyang kaalaman, mula sa kung paano nalikha ang uniberso, hanggang sa kung bakit kinikilig tayo. Ang mga aklat na narito ay refleksiyon ng interes ko sa maraming bagay: sa kasaysayan, politika, relihiyon, pilosopiya, astronomiya, at sa pagbubuo ng isang mapangyakap na panitikang pambansa na hindi lang nakasulat sa Tagalog/Filipino, kundi sa iba pa nating katutubong wika. Natuto akong magbasa dahil sa komiks at sa katatambay sa library. Ang mga unang aklat ko ay nabili ko nang tig-sasampung piso sa isang sale sa National Bookstore, kahit ano lang na aklat basta mura. Karamihan sa mga libro ko ay naibenta ko nang mawalan ako ng trabaho. Libro ang bisyo ko—naglalaan ako ng ilang parte ng suweldo para makabili ng aklat. Ini-imagine ko ang langit bilang isang malawak na aklatan, feeling ko, hindi titigil ang pagkauhaw natin sa pagkatuto at karunungan, hanggang sa kabilang buhay dahil gusto ng Diyos na maging mapanuri tayo—dahil kung ang Diyos ay Diyos ng karunungan, sa langit, walang mangmang."

Narito ang refleksiyon ni Komisyoner Jerry B. Gracio sa ilang librong mula sa kanyang personal na aklatan: 

Roland Barthes. (1977). A Lover’s Discourse. New York: Hill and Wang. Refleksiyon ito ng French philosopher at literary critic hinggil sa pagnanasa at pag-ibig. Hindi simple ang pag-ibig, kaya masalimuot din ang pagtalakay ni Barthes: mula sa paghihintay, pagkatupok, at sa magic na dala ng pagmamahal. Binasa ko habang isinusulat ang Bagay Tayo. 

Walter Benjamin. (1968). Illuminations: Essays and Reflections. New York: Schoken Books. Isa sa mga paborito kong pilosopo ang German-Jewish na si Benjamin. Sa aklat na ito, ibinabahagi niya ang pagmumuni hinggil sa pagkolekta ng aklat, kung bakit dapat basahin si Franz Kafka, kung bakit mahalaga ang pagsasalin. Sabi ni Benjamin: “The gift to justice is learning,” at totoo ito sa panahong laganap ang kamangmangan at fake news. Walang katarungan kung salat sa karunungan ang mga tao. 

Paolo Fraire. (1981). Pedagogy of the Oppressed. New York: Continuum. Sabi ni Freire, may kapasidad kahit ang mga illiterate na maglimi tungkol sa kanilang daigdig sa kabila ng kanilang “kultura ng pananahimik.” Para sa kanya, malaking problema ang “banking system” na edukasyon, ipinalalagay palagi na walang alam ang mga estudyante, ang may alam lang ay titser, kaya madalas, nauuwi ang lahat sa pagpasa ng kaalaman sa halip na hamunin ang mga estudyante na pag-isipan ang mga bagay. Dahil kay Freire, nakumbinsi ako na ginagamit ang utak para mag-isip, hindi lang para mag-imbak ng mga impormasyon. 

Eliza Victoria at Mervin Malonzo. (2016). After Lambana. Pasay City: Visprint. Dahil sa komiks ako natutong magbasa, nadala ko ang hilig sa komiks hanggang ngayon. Ito ang isa sa mga graphic novel na huli kong binasa. Fan ako ng art ni Mervin Malonzo, at ng mga istorya ni Eliza Victoria. May magic sa aklat na ito dahil sa pag-reimagine ng Pinoy myth. Ang pinakamahuhusay na mga aklat ay lagi nang nagdadala sa atin sa daigdig ng hiwaga at pagkamangha. 

J. Neil C. Garcia. (1996). Philippine Gay Culture: Binabae to Bakla, Silahis to MSM. Quezon City: UP Press. Sa mga parlor lang dati pinag-uusapan ang mga usaping bakla. Ang aklat na ito ang unang komprehensibong nag-theorize sa bakla at dinala ang usapin sa akademya, bilang lehitimong area ng iskolarsyip. 

Bitin? Basahin ang mga librong ito at iba pa sa pamamagitan ng pagpunta sa PLV University Library (Maysan Campus). Magkakaroon din ng diskurso ukol sa pagbabasa at libro si G. Jerry B. Gracio sa March 16, 2018 kasama ang mga mag-aaral na nasa kursong BSED Filipino at BSED English. 

Comments

Popular posts from this blog

FEBRUARY 2018 READING ICON: Sen. Win Gatchalian

The PLV University Library is now featuring Sen. Win Gatchalian as its Reading Icon for February 2018. The Department is very grateful that he willingly shared ten of his books from his personal shelf collection. Here, PLVians and other Library visitors may learn more about being a legislator and the many facets of leadership. Let us learn more about him through this brief introduction: "Sen. Win is among the fresh new faces of the Senate. He has fifteen years of experience in public service during which he has led the change to achieve genuine education reform and to make inclusive growth a reality for all.  Under his professional and innovative style of leadership during three consecutive terms as chief executive, Valenzuela City was transformed from a sleepy factory town into a first class city—recognized by the Galing Pook Award as a Center for Innovations and Excellence in 2012, by the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Incorporated as the Most Business-Frie...

READING ICON FOR AUGUST 2018: Jerry Aguinaldo Lim

Would you like to know what a successful businessman reads? Our Reading Icon for the month of August 2018 is Mr. Jerry Aguinaldo Lim and he is sharing some of his go-to reads. Jerry Aguinaldo Lim is PLV Library's Reading Icon for August 2018 Mr. Jerry Lim is a CEO who believes in the power of an organization's culture and the people that are tasked to run his company. He encourages people empowerment and leadership development within his organization and whose leadership style revolves around his strong belief that employees should always come first before his customers. At present, he is the Director and Chief Operation Officer of Central Corrugated Box Corporation as well as many other corporations, commonly serving as their President. He has also garnered many awards and recognition through the years: the Outstanding President - Rotary International District 38000 (2007), Gawad Dr. Pio Valenzuela Award - Leadership Category (2008), Certified Professional ...